ROAD CRASH | Dalawa, patay sa nangyaring karambola ng sasakyan sa Makati City

Makati City – Dalawa na ang kumpirmadong patay sa nangyaring karambola ng mga sasakyan sa Makati City.

Sa ulat, nawalan ng kontrol ang isang kulay gray na Mitsubishi Montero na may plakang TOU-954 na minamaneho ni Angelita Cajuday, 65-anyos habang binabagtas ang Jacinto Street, Barangay Pitogo.

Nabangga nito ang walong sasakyan kabilang ang apat na tricycle, tatlong motorsiklo at isang kotse.


Agad na manatay ang dalawa habang siyam naman ang napaulat na malubhang nasugatan sa insidente kung saan isinugod din sa ospital si Cajuday.

Kasalukuyan naman ginagamot ang anim na sugatan sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City at sa Ospital ng Makati naman ang tatlong biktima.

Facebook Comments