ROAD CRASH | Dalawa, sugatan sa salpukan ng van at kotse sa Pasay City

Pasay City – Dalawa ang sugatan sa salpukan ng isang van at kotse sa Pasay City.

Binabagtas ng kotse na minamaneho ni Jobert Paul Vivar ang kahabaan ng Jalandoni Street nang biglang tumawid sa intersection ang van na minamaneho naman ni Gene Bong Vergara.

Sa lakas ng impact, tumagilid ang van at nabasag ang windshield nito habang wasak naman ang unahang bahagi ng kotse ni Vivar.


Sugatan sa insidente si Vergara at kanyang pasahero.

Payo ng pulisya sa mga motorista, mag-ingat sa pagmamaneho lalo na ngayong tag-ulan.

Facebook Comments