ROAD CRASH | Dating barangay chairman, patay sa aksidente sa Basilan

Basilan – Dead on the spot ang isang dating barangay chairman matapos maaksidente sa Barangay Badja, Tipo-Tipo, Basilan.

Kinilala ang biktima na si Hadji Saker Nuril, nagsilbing barangay chairman ng Barangay Upper Cabengbeng sa kabilang munisipyo ng Sumisip.

Sa ulat, sumalpok ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa isang pick-up kaya’t grabe ang naging sugat nito lalo na’t walang siyang suot na helmet.


Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang driver ng pick-up dahil bigla na lang itong nawala matapos ang insidente.

Facebook Comments