ROAD CRASH | DFA, kinumpirmang walang Pinoy na nadamay sa pag-araro ng van sa Canada

Manila, Philippines – Walang Filipino ang nasawi o nasugatan sa nangyaring pag-araro ng van sa Canada kung saan 9 ang napaulat na nasawi at 16 naman ang sugatan.

Sa ulat na ipinadala ng Philippine Embassy sa Ottawa wala silang natanggap na report hinggil sa Pinoy casualties pero patuloy na mino-monitor ang sitwasyon ng nasa 270,000 na mga Filipino sa nasabing bansa.

Kasunod nito nagpaabot narin ng pakikiramay ang Pilipinas sa Canada sa panibago nanamang trahedya na sinapit ng kanilang bansa.


Matatandaang ala una y medya Lunes ng hapon nang araruhin ng suspek na si Alek Minassian ang busy street ng Toronto

Sa ngayon hawak na ito ng mga otoridad at ipinagharap na ng 10 counts of first-degree murder at 13 counts ng attempted murder.

Facebook Comments