ROAD CRASH | DFA, nakiisa sa pagluluksa sa pagkamatay ng 5 miyembro ng pamilya sa Delaware, USA

Manila, Philippines – Nakiisa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagluluksa ng Filipino community sa Delaware, U.S.A. matapos masawi sa isang aksidente ang limang miyembro ng Filipino-American family.

Nasawi sa vehicular crash ang padre de pamilya na si Audie Trinidad, 61-anyos at ang mga anak nitong si Kaitlyn, 20; Danna, 17; at ang 14-anyos na kambal na sina Melissa at Allison.

Ang ina na si Mary Rose Ballocanag-Trinidad ay nagpapagaling matapos nagtamo ng serious injuries.


Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, taus-pusong nakikiramay ang gobyerno sa mga naulilang mahal nila sa buhay.

Ipinaabot na rin Consul General Claro Cristobal ang kanyang simpatya habang nagtungo sa ospital si Deputy Consul General Kerwin Orville kung saan naka-confine si Mrs. Trinidad para magpaabot ng tulong.

Facebook Comments