ROAD CRASH | Driver ng bus na mitsa ng karambola, sasampahan ng patung-patong na kaso

Manila, Philippines – Sasampahan ng patung-patong na kaso ang driver ng Classic Leisure Bus na naging dahilan ng karambola ng 13 mga sasakyan sa Roxas Airport Road Baclaran, Paranaque City kaninang bago mag alas-9 ng umaga.

Ayon kay Paranaque Traffic Bureau Jerry NiƱo Franco kasong reckless imprudence resulting to damage to properties and multiple physical injuries ang isasampa laban kay Ricardo Lope.

Maging ang mga tsuper ng mga nadamay na sasakyan sa aksidente ay nandito na ngayon sa Paranaque City Traffic Bureau upang maghain ng kaso laban kay Lope.


Sa ngayon ayaw na munang magsalita ni Lope sa media hanggat wala pa ang kanyang abugado.

Sa inisyal na imbestigasyon nawalan umano ng preno ang minamaneho nitong bus dahilan para maararo ang 12 na mga sasakyan.
Ayon sa MMDA 30 ang sugatan kung saan 17 sa mga ito ay dinala sa San Juan de Dios Hospital.

Facebook Comments