ROAD CRASH | Ilang katao, sugatan sa banggaan ng bus at truck sa NLEX

Sugatan ang ilang katao sa banggaan ng dalawang sasakyan sa southbound lane ng NLEX.

Ayon kay NLEX Traffic Controlled Specialist Michale Mallarit, isang pampasaherong bus ng Five Star at 6-wheeler truck na may kargang mga bakal ang nagbanggaan makalampas sa Sta. Rita Exit.

Nagdulot ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko dahil tatlong lane ng NLEX ang sinakop ng aksidente.


Umabot din sa dalawang kilometro ang haba ng pila ng mga sasakyang hindi makausad dahil sa traffic.

Agad namang binigyan ng paunang lunas ang mga pasaherong nasaktan sa aksidente.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang sanhi ng banggaan.

Facebook Comments