Tagum City – Patay ang isang pasahero habang 41 ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang bus sa Tagum City, Davao del Norte.
Ayon kay Superintendent Philip Ayban, hepe ng Tagum City Police, dalawang bus ng Metro Shuttle bus ang nagsalpukan dahil sa madulas na kalsada matapos ang ulan.
Nakapreno pa aniya ang drayber ng isa sa mga bus dahil may biglang lumabas na motorsiklo sa kanto ng national highway sa Barangay Canocotan pero dumiretso ito sa kasalubong na bus.
Nangako naman ang kumpanya na tutulungan ang mga pasahero na sugatan sa insidente.
Facebook Comments