ROAD CRASH | Isang barangay kagawad patay matapos masagasaan ng isang pampasaherong van

Surigao del Norte – Patay ang isang barangay kagawad matapos masagasaan ng isang pampasaherong van sa Surigao del Norte.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joel Jamorol habang ang suspek naman ay nakilalang si Donald Quezada.

Sa imbestigasyon, patungo sana ng Butuan City ang van na puno ng mga pasahero at pagsapit sa national highway ng Mabini, placer ay dito na nasagsaan ang biktima makaraang tumawid sa kalsada.


Dinala pa ang biktima sa Surigao del Norte Provincial Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival kung saan kusang sumuko sa mga pulis ang nasabing driver ng van.

Facebook Comments