ROAD CRASH | Karo na maghahatid sa lamay, naaksidente sa QC

395

Quezon City – Sugatan ang driver ng karo habang tumagos naman sa wind shield ang patay na kanilang ihahatid.

Ito ay matapos silang mabangga sa truck ng basura sa Quezon Avenue kanto ng Roosevelt Quezon City.

Kanina pahirapan din ang naging operasyon para maialis ang naipit na pahinate ng karo at ang bangkay na lumusot sa windshield.

Paliwanag ni Philip Iwarat, 42-anyos. Mabagal lang ang kanyang takbo ng bigla nalang sumulpot ang truck na minamaneho ni Rodolfo Ignacio ala una ng madaling araw.

Depensa naman ni Ignacio, mabagal lang ang kanyang pagpapatakbo sa truck dahil nag-u-u-turn siya sa Quezon Avenue.

Patuloy ang imbistigasyon sa aksidente habang ibabalik sa funeral parlor ang bangkay na naaksidente.

Facebook Comments

From Advertisers