ROAD CRASH | Kundoktor patay habang 16 sugatan sa pagsalpok ng isang bus sa waiting shed sa EDSA

Patay ang kundoktor habang 16 tao nasugatan matapos bumangga sa waiting shed ang isang bus sa northbound lane ng EDSA-Buendia.

Kinilala ang nasawi ng kundoktor na si Jacel Manoy.

Ayon kay Senior Inspector Gemma Reyes ng Makati Vehicular Traffic Investigation Unit, sa lakas ng pagsalpok, nawasak ang bubong at gilid ng waiting shed.


Aniya, wala namang indikasyong nakatulog o nakainom ang driver ng bus na si Isagani Aquino.

Kabilang sa mga nasugatan ang isang sanggol habang dalawa naman ang kritikal ang lagay.

Facebook Comments