ROAD CRASH | Pito, sugatan matapos araruhin ng truck ang isang poste at van sa Antipolo City

Antipolo City – Sugatan ang pitong katao matapos araruhin ng 10-wheeler truck ang isang poste ng Meralco at isang l300 van sa Barangay Mambugan, Antipolo City.

Dinala sa Amang Rodriguez Hospital ang mga biktima kabilang na ang driver ng truck na si Alex Sidlao at Edwin Canlas na siyang nag-mamaneho ng van.

Sa inisyal na imbestigasyon nangyari ang aksidente sa kanto ng Monte Carlo Subdivision kung saan nawalan ng kontrol ang truck kaya at nabangga nito ang poste maging ang van na nasa unahan nito.


Nagdulot ng matinding traffic ang insidente kung saan nawalan din ng kuryente ang malaking bahagi ng Barangay Mambugan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang dahilan ng aksidente.

Facebook Comments