ROAD CRASH | Walong tao, sugatan sa banggaan sa Taytay, Rizal

Taytay, Rizal – Sugatan ang walong katao sa banggaan ng walong sasakyan sa Manila East Road sa Taytay, Rizal.

Nawalang preno ang isang truck sa pababang bahagi ng Cabrera road matapos nitong mag-counterflow.

Naararo nito ang nakasalubong na isang UV express, dalawang kotse, isang SUV, isang closed van at dalawang tricycle.


Itinakbo ang mga sugatan kabilang ang isang sanggol sa Manila East Medical Center, Taytay Emergency Hospital at Taytay Doctors Hospital.

Hawak na ng pulis ang drayber ng trak kung saan may lamang diesel ang minamaneho nitong sasakyan at mabuti na lamang na hindi ito sumabog.

Facebook Comments