Road maintenance ng DPWH, puspusan na bago ang Holy Week

Puspusan na ang ginagawang road maintenance ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bago ang paggunita sa Semana Santa sa susunod na linggo.

Ayon sa DPWH, minamadali na ang pagsasaayos ng mga kalsada, paglilinis ng mga daanan, pagpipinta ng kumupas na road markings, at paglalagay ulit ng mga bagong road signs.

Samantala, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na pagaganahin na rin nila ang Lakbay Alalay para masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.


Ang DPWH Lakbay Alalay Teams ay binubuo ng uniformed field at crew personnel na itatalaga sa mga national raod mula April 16 hanggang April 19.

Ipinag-utos din ng kalihim na siguruhing maayos ang schedule ng mga isinasagawang road project nang hindi nakokompromiso ang kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments