ROAD MAINTENANCE | Pamunuan ng NLEX/SCTEX, umapela sa mga motorista na habaan ang pasensya

Manila, Philippines – Nanawagan ang pamunuan ng North Luzon Expressway Corporation sa mga motorista na gumagamit ng NLEX at SCTEX na pahabain ang pasensiya resulta ng ‘maintenance activity ‘ sa dalawang expressway.

Ayon kay Romulo Quimbo, Senior Vice President for Communications ng NLEX Corporation, kailangang gawin ang ‘maintenance activity’ para makaranas ng mas ligtas at mas maayos na biyahe ang mga motorista.

Ayon kay Quimbo, para sa kapakanan ng publiko ilang mga ‘ongoing repair at road activity’ sa mga nabanggit na expressway mula Balintawak sa lungsod ng Quezon hanggang Sta. Ines, Pampanga ang makikita ng mga motorista.


Ayon sa NLEX asahang babagal ang takbo ng mga sasakyan sa mga lugar na mayroong ‘road activity.’

Ilang bahagi ng NLEX ang isasailalim sa ‘light patching works,’ samantalang sa may Tabang, Bulacan hanggang Candaba Viaduct sa Pampanga ay papalitan naman ang mga lumang kongreto.

Magkakaroon din ng road patching activity sa SCTEX, papuntang Subic Freeport Expressway malapit sa Mabalacat City.

Kaugnay nito, hinimok ng NLEX ang mga maapektuhang motorista na habaan lamang ang pasensiya, dahil ang maintenance activity ay kailangan gawin.

Samantala, tanggap naman ng ilang motorista na regular na dumadaan sa NLEX ang isinasagawang ‘Road Maintenance,’gusto lamang maseguro na matatapos sa takdang panahon ang pagkukumpuni expressway.

Inihayag naman ng isang kompanya ng bus, na kailangan lamang ang maagang pakukumpuni sa kalsada, mahirap ng kumilos kung malaki na ang problema.
Inaasahan na matatapos ang ‘repair at rehabilitation activity ‘ sa NLEX at SCTEX bago magsimula ang panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Quimbo, sa oras na matapos ang aktibidad makakaranas na ulit ang mga motorista ng mas mabilis, mas maayos at mas ligtas na biyahe sa NLEX at SCTEX.

Facebook Comments