ROAD PROJECT SA BRGY. SAN LUIS, MALAKING TULONG SA PAGLAGO NG TURISMO

CAUAYAN CITY – Natapos na ang road projects ng DPWH – Isabela 4th District Engineering Office sa Brgy. San Luis, Cauayan City, Isabela.

May habang aabot sa 2.91 kilometers ang bagong daan kung saan ay pinondohan ito ng P49.9-M sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

Malaking tulong ang nasabing daan sa paglago ng turismo dahil magiging maayos na ang kanilang pag-access sa mga tourist spot kagaya ng Hacienda de San Luis, ang pinaka-unang eco-tourism park sa buong lungsod ng Cauayan.


Bukod dito, naging daan rin ito upang mapanood ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang bayan ang makulay na pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival.

Facebook Comments