ROAD PROJECTS NG DPWH SA DAGUPAN CITY, UMPISA NA RIN SA KAHABAAN NG PEREZ BLVD. SA LUNGSOD

Umpisa na sa kahabaan ng Perez Boulevard sa lungsod ng Dagupan ang road project ng ahensyang Department of Public Works and Highways o DPWH na Road Elevation and Drainage Upgrade sa mga mains roads sa lungsod bilang bahagi ng Flood Mitigation Projects na alinsunod sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon ngayon.
Matatandaan na nagpapatuloy ang nasabing proyekto sa kahabaan pa ng AB Fernandez Avenue at Arellano Street habang may Notice to Proceed o NTP ang MH Del Pilar St at sa anumang oras ay maaari na ring umpisahan ang nasabing phase.
Pangamba ng mga negosyong nakapwesto na bahagi ng Perez Blvd ang magiging epekto ng isinasagawang proyekto dahil anila ay sigurado daw na direkta itong makakaapekto sa kanilang mga negosyo lalo na at umpisa na ang pagbungkal ng mga contractors sa kalsadahan.

Nagpaabot naman ng abiso at paumanhin ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa maaaring pansamantalang maidulot nito na mga epekto sa publiko. |ifmnews
Facebook Comments