Inaasahang matatapos na ngayong 2018 ang nasa 30.1 kilometers na sisimentohing kalsada sa 10 conflict-affected municipalities sa Maguindanao.
Base sa datos ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), 22.5 kilometers na ang nasimento sa 30.1 kilometers na road projects sa ilalim ng Humanitarian and Development Action Plan (ARMM-HDAP).
Ang regional government is gagasta ng P371.1M sa concreting ng mga kalsada sa mga bayan sa lalawigan na naapektohan ng mga nakaraang kaguluhan.
Matatandaang kasunod ng Mamapasano encounter noong January 25, 2015 ay binuo ng regional government ang HDAP.
Ang infrastructure projects na ipinatutupad ng Maguindanao 2nd district engineering office ay sumasaklaw sa mga bayan ng Datu Anggal Midtimbang, Mamasapano, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Datu Saudi Ampatuan, Datu Piang, Datu Salibo at Talayan.
Ang naturang mga munisipyo ay nagdusa at naghirap mula sa man-made at natural disasters sa mga nakalipas na taon.
Road projects sa conflict-affected areas sa Maguindanao, matatapos na ngayong taon!
Facebook Comments