ROAD RAGE INCIDENT | Teresa Loyzaga, ikinadismaya ang mga humuhusga sa kaniyang anak na si Diego

Manila, Philippines – Dismayado ang aktres na si Teresa Loyzaga sa mga humuhusga sa kaniyang anak na si Diego matapos itong ma-involve sa isang road rage incident.

Matatandaan na nagreklamo ng malicious mischief si John Ronnel Paglalunan dahil sa pananadyak umano ni Diego sa kaniyang minamanehong kotse habang sila ay nasa Maynila nitong nakalipas na araw.

Pero mariin naman itinaggi ni Diego ang nangyari kung saan inakusahan ni Teresa Loyzaga ng paninirang puri ang Grab driver.


Ayon pa kay Teresa, si Paglalunan ang muntik nang makapatay sa kaniyang anak dahil sa bilis ng pagmamaneho nito.

Hiling ngayon ni Teresa na huwag basta husgahan ang kaniyang anak at alamin muna daw ang tunay na nangyari.

Facebook Comments