Pinababawi na ni House Speaker Gloria Arroyo ang number ‘8’ protocol plates na inisyu ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ay kasunod ng pagkakasangkot sa road rage ng isang Toyota FJ Cruiser na may plakang otso kung saan nagpakilala ang sakay nito na anak ng isang congressman.
Sa sesyon, nanunsyo ni House Majority Leader Rolando Andaya ang pagbawi sa lahat ng otsong plaka ng mga kongresista na inisyu noong 16th Congress.
Inatasan din ang mga mambabatas ng agad na pagbabalik sa protocol plates sa tanggapan ng secretary-general.
Mababatid naman na wala pang iniisyung otsong plaka ngayong 17th Congress.
Una nang itinanggi ni Pampanga Representative Carmelo Lazatin II na siya ang may-ari ng Toyota FJ Cruiser at hindi niya anak ang nagpakilalang sakay ng sasakyan.