Manila, Philippines – Sumailalim na sa medical check-up ang 52-anyos na taxi driver na sinampal ng babaeng motorista na nakagitgitan sa trapiko sa Quezon City.
Dumating sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) si Virgilio Doctor kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Ariel Inton ng lawyers for commuters safety and protection.
Ang medical check-up sa tsuper na si Doctor ay bilang bahagi ng proseso sa planong i-downgrade ang lisensya nito sa pagmamaneho mula sa professional drivers licence to non-professional.
Una nang lumutang na may sakit si Doctor kaya at hindi ito dapat na magmaneho ng Public Utility Vehicle (PUV) gaya ng taxi.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, bagamat tinitiyak nila na physically fit na magmaneho si Doctor pero tatalima ang kanyang kliyente sa kautusan ng LTO law enforcement service.
Ngayong ala-una ng hapon ay haharap naman sa pagdinig sa tanggapan ng LTO ang umanoy nanakit kay Doctor na si Cherish Sharmaine Interior.
Matatandaang nag-viral sa social media ang bidyo kung saan pinagpapalo ng golf club ni Interior ang taxi ni Doctor at walang habas na pagmumurahin at suntukin pa matapos makagitgitan sa Congressional Avenue, Quezon City isang linggo na ang nakalilipas.