Road re-blocking, ipapatupad ng DPWH sa ilang lansangan sa Metro Manila ayon sa MMDA

28

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapatupad ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila simula mamayang gabi.

Mula sa abiso ng MMDA, epektibo mamayang alas-11:00 ng gabi ang gagawing weekend road re-blocking dahil sa gagawing road repair ng DPWH na tatagal hanggang Lunes, alas-5:00 ng umaga.


Kabilang sa mga maapektuhang kalsada ang EDSA Caloocan (Southbound) harap ng Mariano St. na 4th lane from sidewalk, C-5 Road Northbound bago mag McKinley.

Apektado rin ang España Boulevard mula Extremadura Street hanggang sa M. Dela Fuentes Street.

Ganun din ang C.P Garcia Ave. bago ang Maigting St. 2nd lane mula sidewalk at bago ang Krus na Ligas, 2nd lane mula sidewalk.

Ang mga nabanggit na kalsada ay muling bubuksan sa mga motorista sa Lunes, September 27, alas-5:00 ng madaling araw.



Facebook Comments