Road reblocking at road repair, isasagawa sa ilang kalsada sa Quezon City, Pasig, at Caloocan ngayong weekend

Manila, Philippines – Maaapektuhan ng isasagawang road reblocking at road repair ang ilang kalsada sa Quezon City, Pasig at Caloocan City ngayong weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang maintenance work ng Department of Public Works and Highways (DPWH) alas 11:00 mamayang gabi (August 25) at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga ng August 28 araw ng Lunes ang pagkukumpuni.

Kabilang sa apektado ang mga sumusunod na lansangan:
Northbound
EDSA bago ang North Avenue, Quezon City (2nd lane) Mindanao Avenue bago mag-Sauyo Road, Quezon City (2nd lane) P. Garcia Avenue mula Ginhawa Street hanggang Katipunan Avenue, Quezon City (4th lane) MacArthur highway malapit sa Monumento Circle, Caloocan City.
Southbound
Bonifacio Avenue sa pagitan ng Mauban Street to Dome Street, Quezon City (2nd lane) Rodriguez Jr. Avenue bago mag-Green Meadows, Quezon City (truck lane) Rodriguez Jr. Avenue makalagpas ng Boni Serrano flyover, Quezon City (truck lane)C5 road malapit sa Julia Vargas, Pasig City.


Samantala, pinapayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na humanap muna ng alternatibong ruta dahil asahan na ang pagsisikip sa daloy ng mga sasakyan kaugnay ng nabanggit na road repairs.

Facebook Comments