Manila, Philippines – Isinusulong sa Kamara ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga driver at operator ng mga public transport na masasangkot sa aksidente.
Ayon kay Abra Rep. Jb Bernos, dapat rebisahin ang road safety laws ng bansa para sa pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga ito.
Aniya, base sa New Civil Code, halagang P3,000 lamang ang penalty ng mga negligent drivers.
Habang sa pasya ng Supreme Court, P50,000 civil indemnities lang ang iginagawad sa naging biktima.
Paliwanag nito, bagaman may presyo ng itinakda ang korte kailangan pa ring muling pag-aralan ang road safety laws para maparusahan din ang mga operator sa kanilang pagkuha ng mga pabayang mga driver.
Facebook Comments