Road Safety Month: Bilang ng mga aksidente sa kalsada, tumaas – DOH

Nababahala ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pagdami ng kaso ng mga naaaksidente sa kalsada sa bansa.

Sa datos ng DOH Online National Electronic Injury Surveilalance System, ang road-crash related injuries ang nangungunang dahilan ng pagkamatay at injury.

Noong nakaraang taon, 31.1% ng naitalang injuries ang dahil sa aksidente sa kalsada na nakakaalarma ngayong tumataas ang bilang ng mga motorista sa bansa.


Kaugnay nito, ipinunto ng DOH na dapat pa ring iprayoridad ng pamahalaan ang kapakanan ng kapwa motorista at mga tao sa kalsada sa pamamagitan ng ligtas at maayos na imprastraktura at urban planning.

Ayon sa DOH, hindi lamang sa pamamagitan nito magkakaroon ng mas ligtas na lansangan kundi makakatulong din sa pag-unlad ng ekonomiya.

Pagdating naman sa kalusugan ng mga Pilipino, makakatulong ang paghikayat sa mga Pinoy na maglakad o magbisikleta para mabawasan ang kaso ng diabetes, obesity at makatulong sa kalikasan sa pagbabawas ng fossil fuel.

Nagpasalamat naman ang DOH sa lahat ng sektor at ahensiya na katuwang sa ilalim ng Philippine Road Safety Action Plan 2023-2028 at Inter-Agency Technical Working Group on Active Transport (IATWG-AT)

Ginugunita ang Road Safety Month ngayong Mayo kung saan sa ilalim ng Bagong Pilipinas, Bawat Buhay ay Mahalaga.

Facebook Comments