ROAD SAFETY MONTH | Motorist Assistance Program ng San Miguel Corporation tollways, inilunsad na

Manila, Philippines – Opisyal nang inilunsad ng San Miguel Corporation (SMC) tollways ang road map o motorist assistance program, bilang tugon sa tumataas na bilang ng mga motoristang bumabiyahe ngayong summer season.

Dahil dito, ayon kay SMC tollways Ceo at President Manuel Bonoan, mas matutugunan na nila ang pangangailangan ng mga motorista, lalo at ngayong buwan din ay ipinagdiriwang ang road safety month.

Dagdag pa ni Bong, umaakyat ng 12% ang bilang ng mga motoristang bumabyahe mula norte papuntang timog o vice versa tuwing summer season.


Sa ilalim ng programang ito, mas maraming traffic patrols at tellers ang kanilang ide-deploy at maglalagay rin ng mga road assistance sa anim na gas stations para sa libreng mechanic service, checkups, medical assisstance, road safety tips at travel information.

Facebook Comments