ROAD SAFETY NGAYONG BUWAN NGMAYO, GINUGUNITA; LIBRENG SEMINAR PATUNGKOL SA KALIGTASAN SA KALSADA, ISINAGAWA

Kasabay nang selebrasyon ng Road Safety Month ngayong buwan ng Mayo, isinagawa ng Land Transportation Office ang Nationwide Simultaneous Seminar upang bigyan ng kaalaman ang mga drayber patungkol sa mga road signs, batas trapiko at regulasyon.
Sa isang virtual forum ipinaliwanag ni Aileen Peteros, ang Director Head ng LTO-San Carlos City, ang mandato ng ahensya sa pagbibigay ng lisensya sa mga kwalipikadong drivers, pagsasagawa ng pagpaparehistro ng sasakyan, pagpapatupad ng regulasyon at batas trapiko sa kalsada upang maipatupad ang kaligtasan sa kalsada.
Ayon pa sa kaniya na ang road safety ay hindi lang responsibilidad ng LTO at ito ay isang ‘shared responsibility’ kung saan lahat ng indibidwal ay may kontribusyon upang maipatupad ang kaligtasan sa kalsada.
Kung kaya‘t nagsagawa ang LTO ng Free Theoretical Driving Course o TDC Seminar upang ituro ang Road Awareness sa mga drivers. Ang nabanggit na seminar ay para rin sa mga hindi kayang mag-enroll sa mga private na driving schools.
Samantala, nabanggit din opisyal na tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng libreng TDC Seminar gayundin ang Law Enforcement Activities ng ahensya.
Iminungkahi rin ni Peteros na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na tanggapan LTO District para malaman ang susunod na schedule ng nasabing libreng seminar.
Facebook Comments