ROAD SAFETY | Paggamit ng GPS sa mga public utility buses, pinagtibay ng CA

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon nito na payagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na atasan ang lahat ng public utility buses sa bansa na maglagay ng Global Positioning System (GPS).

Ito ay matapos ibinasura ng CA ang Motion for Reconsideration (MR) na inihain ng nagkaisang samahan ng mga nangangasiwa ng panlalawigang bus sa Pilipinas dahil na kawalan ng merito.

Una nang sinabi ng LTFRB na makatutulong ang GPS sa road safety at pagpapaganda pa ng land transportation services.


Maiiwasan din nito ang mga aksidente sa kalsada sa pamamagitan ng pag-monitor ng bilis ng takbo ng mga pampasaherong bus.

Mababantayan din ang ruta at bilang ng mga bus na bumibiyahe.

Facebook Comments