Sumampa na sa halos 500 aksidente sa kalsada ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong holiday season.
Hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, 39 na bagong kaso ng road traffic incidents ang naitala ng ahensya para sa kabuuang 496.
Tatlumpu’t tatlong porsiyento (33%) itong mas mataas kumpara sa bilang na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.
Anim na ang nasawi kung saan apat ay mula sa naitalang 356 motorcycle accidents.
Sa naturang kaso, 427 ang hindi gumamit ng safety accessories nang mangyari ang aksidente habang 83 ang nakainom ng alak.
Facebook Comments