Road user’s tax, gagamitin sa rehabilitasyon ng Manila Bay

Manila, Philippines – Gaya ng rehabilitasyon sa Boracay, ipinag-utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglilinis sa Manila Bay.

Ito ay makaraang iprinsinta ni DENR Sec. Roy Cimatu sa cabinet meeting sa Malacañang kagabi ang deka-dekada nang problema sa Manila Bay.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – pumayag ang Pangulo na gamitin ang P46-billion na bahagi ng road user’s tax para mapondohan ang rehabilitasyon ng manila bay kabilang na ang paglilipat sa mga informal settler.


Bukod dito, balak din ng Pangulo na gamitin ang road user’s tax para maayudahan ang mga naapektuhan ng bagyong Usman at pondohan ang pangangailangan ng mga ospital.

Pero paglilinaw ni Panelo – mangyayari lamang ito kapag tuluyan nang na-abolish ang road board.

Facebook Comments