Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang paggamit sa Road User’s Tax para sa clearing operations o paglilinis at pagpapaluwag ng mga lansangan para masolusyunan ang problema sa trapiko.
Ayon kay Recto, nasa 46-billion na ngayon ang hindi pa nagagalaw na motor vehicle user’s charge na tinatawag ding Road User’s Tax na kinokolekta ng Land Transportation Office sa mga nagpaparehistro ng sasakyan.
Diin ni Recto na kung naglilinis ng mga lansangan ang mga lokal na pamahalaan ay dapat kasunod na kumikilos ang Department of Public Works and Highways o DPWH.
Giit ni Recto, pwedeng gamitin ng DPWH ang Road User’s Tax sa pag-aayos ng road drainage, sidewalks, pag-aspalto at pag-ayos ng mga apektadong bahagi ng kalsada.
Facebook Comments