Road Users Tax, pinapagamit ng isang Senador sa rehabiltiasyon at konstruksyon ng Mass Transit System

Isinulong ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magamit ang Road Users Tax para sa rehabilitasyon at konstruksyon ng mga bagong mass transit system katulad ng Metro Rail Transit o MRT at Light Rail Transit o LRT.

Nakapaloob sa Senate Bill Number 1049 na inihain ni Recto ang pagkakaroon ng special Mass Transit Support fund na popondohan mula sa buwis na nakokolekta sa pagpaparehistro ng sasakyan.

Ito ay ang Motor Vehicle Users Charge na tinatawag ding Road Users Tax.


Nakapaloob sa umiiral na batas na ang 80 percent ng Road Users Tax ay para sa maintenance at improvement ng drainage ng mga lansangan at para sa pagkontrol ng polusyon.

Pero giit ni Recto, ang kailangang ngayon ay Mass Transit System na tugon sa patuloy na pagsisikip ng lansangan at paglala ng problema sa daloy ng trapiko na may malaking epekto sa ating ekonomiya.

Facebook Comments