Hindi pa rin nagbabago ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte sa planong pagbuwag sa Road Board.
Ang Road Board ang nangangasiwa ng road users tax na sinasabing ginagawang gatasan ng mga mambabatas sa mga proyektong may kaugnayan sa paggawa at pagkumpuni ng mga kalsada.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, naninindigan si Pangulong Duterte na dapat ay buwagin ang Road Board na una na ring plano ng Kamara sa dating pamumuno ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na inadapt na rin ng Senado pero binago ngayon ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Binigyang diin din ni Panelo na sa oras na makarating kay Pangulong Duterte ang pinal na bersyon ng panukalang batas na bubuwag sa Road Board ay agad itong lalagdaan ng Pangulo upang maging ganap na batas.