ROAD WIDENING | Nagaganap na demolition sa Boracay hindi pa bahagi ng major project para sa isla

Manila, Philippines – Nilinaw ni Office of Civil Defense (OCD) Spokesman Director Edgar Posadas na hindi kasama sa major project para sa isla ng Boracay ang isinasagawa ngayong demolisyon sa lugar.

Aniya bahagi ito gagawing road widening, at pagsasaayos ng sewage at drainage system.

Ngunit kung ang pag-uusapan ay may kinalaman sa major project para sa Boracay ay hindi pa ito nasisimulan.


Hindi naman nagbigay ng specific time ang opisyal kung kailan magaganap ang actual recovery at rehabilitation phase sa isla.

Sinabi pa ni Posadas, maaring abutin pa ng dalawang linggo ang ginagawang Post Disaster Needs Assessment (PDNA) na sinimulan mula ng isinara ang Boracay noong April 26.

Kapag natapos na aniya ang PDNA bago lamang matutukoy ang mga ipa-prayoridad para sa recovery at rehabilitation project sa isla.

Una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasara Boracay para sa rehabilitasyon.

Facebook Comments