ROAD-WIDENING PROJECT | Ilang barangay sa Las Piñas, Bacoor, Imus, Kawit Noveleta, Rosario, Cavite City at Parañaque, nakakaranas ngayon ng water interruption

Manila, Philippines – Nakakaranas ngayon ng water service interruption ang ilang barangay sa Las Piñas, Bacoor, Imus, Kawit Noveleta, Rosario, Cavite City at Parañaque.

Ito ay dahil sa pansamantalang pagsasara ng Maynilad sa PAGCOR pumping station dahil sa apektado ito ng road-widening project sa Cavite-Laguna expressway.

Simula pa alas-10:00 kagabi hanggang alas-5:00 ng umaga ng Biyernes (April 20) wala ng tubig sa ilang lugar sa Las Piñas, Bacoor, Imus, Kawit Noveleta, Rosario at Cavite City.


Habang alas-10:00 kagabi hanggang alas-10:00 ng umaga naman ang water interruption sa Parañaque.

Maari naman magpa-deliver ng water tanker ang mga apektadong consumer ng Maynilad kung saan pwede silang mag-inquire sa numerong 1626 at mag-text sa 0998-8641446 o kaya ay mag-iwan ng mensahe sa kanilang FB page na Maynilad Water Services Inc.

Facebook Comments