
Magbubukas ngayong araw, Disyembre 12, ganap na alas-4 ng hapon ang Roadside Kadiwa ng Pangulo sa harap ng Carnival sa De Venecia Highway.
Layunin ng programa na mag-alok ng mas sariwa at mas murang lokal na produkto para sa mga mamimili ngayong Kapaskuhan.
Tampok sa Kadiwa ang mga produktong direktang mula sa mga magsasaka at mangingisda, kabilang ang organic produce, produktong pangisdaan, sariwa at processed na pagkain, at iba pang specialty items.
Kasama rin dito ang ₱20 na bigas na maaaring mabili ng senior citizens, solo parents, PWDs, at 4Ps beneficiaries kapag nagpakita ng valid ID.
Ayon sa organizers, bukas ang operasyon ng Roadside Kadiwa araw-araw hanggang Disyembre 31, 2025.
Inaasahang pamahalaang lungsod na makikinabang sa programa ang mga pamilyang naghahanda para sa Noche Buena at holiday gatherings habang nagbibigay-suporta sa lokal na sektor ng agrikultura at pangingisda.







