ROADWORTHINESS | Mahigit 1,200 bus unit, binigyan ng LTFRB ng special permit para makabiyahe ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Nasa 1, 220 na mga bus unit ang pinayagang bumiyahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Holy Week.

Ito ay matapos na aprubahan ng ahensya ang nasa 486 na aplikasyon ng mga bus company para makakuha ng special permits.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, patuloy ang ginagawa nilang pag-iinspeksyon sa mga terminal para masiguro ang roadworthiness ng mga bus.


Tuloy din aniya ang kanilang anti-colorum operations.

Sa Linggo pa lang, inaasahang marami na ang magsisiuwian sa kani-kanilang mga probinsya para sa paggunita ng Semana Santa.

Facebook Comments