Manila, Philippines – Timbog ang isang pulis na nagtatago sa batas kasunod ng ikinasang operasyon ng mga kapwa niya pulis mula sa Manila Police District (MPD).
Nabatid na si PO1 Ferdinand Manlapaz ay nahuli sa kanyang tahanan sa Bataan Street, Sampaloc, Maynila.
Si Manlapaz na nakatalaga sa NCRPO-Regional Special Operations Unit na may kasong robbery extortion.
Sinasabing nabunyag ang gawain ni PO1 Manlapaz dahil sa sumbong ng isang concerned citizen sa ‘Isumbong mo kay tsip’ text hotline.
Dinala na sa warrant office ang suspek para isalalim sa tamang disposisyon.
Facebook Comments