Robbie Herndon, pinuri ni Magnolia head coach Victolero

Pinuri ni Magnolia head coach Chito Victolero ang effort ng sophomore swingman na si Robbie Herndon matapos na magsilbing bright spot sa opensiba ng koponan sa kabila ng talo nila kontra TNT KaTropa noong Linggo.

Sabi ni Victolero – 50% ng mga tira sa hardcourt ay ginawa ni Herndon.

Siya aniya ang sumalo kay Paul Lee matapos itong hindi makalaro sa second half dahil sa tinamong right thumb injury.


Kaya naman umaasa ang head coach na magtutuloy-tuloy ang magandang performance ni Herndon.

Samantala sa NBA, naniniwala si dating NBA player Lamar Odom na malaking tulong sa Los Angeles Lakers kapag kinuha nila si Anthony Davis ng New Orleans Pelicans.

Aniya, sure ball ang kampeonato ng Lakers dahil nakikita niyang magandang kumbinasyon sina Davis at LeBron James.

Facebook Comments