Robert Joseph De Claro, nagsimula nang magtrabaho bilang OIC ng SSS

Nagsimula nang umaktong office-in-charge (OIC) sa Social Security System (SSS) si Commissioner Robert Joseph M. De Claro.

Kasunod ito ng pagbibitiw ni Rolando Ledesma Macasaet.

Itinalaga si De Claro ng Social Security Commission (SSC), ang policymaking body ng SSS.


Si De Claro ay nagsilbi sa SSC mula noong Enero 11, 2023, na kumakatawan sa employer’s group.

Bilang isang komisyoner, pinamunuan niya ang IT at collection and contribution committee at lumahok sa mga pangunahing komite na sumasaklaw sa audit, risk, investment at governance.

Facebook Comments