Robin Padilla – dinalaw ang aktres na si Isabel Granada matapos ma-comatose

Manila, Philippines – Dinalaw ni Robin Padilla ang aktres na si Isabel Granada, mahigit isang linggo matapos siyang ma-comatose sa Doha, Qatar.

Sa Facebook account, ipinaabot ng pinsan ni Isabel na si Joseph Rivera, ang pasasalamat nila kay Robin dahil sa oras na inilaan ng aktor na mabisita si Isabel.

Kasabay nito ay nanawagan ang pamilya ni Isabel para sa paggaling ng aktres.


Mula nang isugod sa ospital matapos mawalan ng malay, wala pa rin umanong palatandaan na magkakamalay na si Isabel.

Facebook Comments