Robin Padilla, nag-sorry na kay Sharon Cuneta matapos magtampo

Humingi na ng tawad si Robin Padilla sa kanyang dating leading lady at nakarelasyong si Sharon Cuneta.

Ito ay matapos mag mag-post si Sharon sa kaniyang Instagram ng throwback photo nila Robin at ang mga yumaong sina Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez.

Sa comment section, nagpasalamat ang aktor kay Sharon dahil sa kanyang post.


Kasunod nito ay humingi ng tawad si Robin dahil sa malaking pagkukulang daw nito kay Sharon, na tinawag pa niyang “kambal.”

Matatandaang inamin noon ni Sharon na nagtampo ito kay Robin matapos hindi makadalo sa kanyang 40th anniversary concert noong September 29, 2018.

Facebook Comments