Robin Padilla, nakaharap na sa wakas ang ama ni Mariel Rodriguez!

“My 2018 is complete.”

Ito ang bahagi ng post ng TV host na si Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram account noong bisperas ng Pasko.

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay nagkaharap na sa wakas sina Robin Padilla at ama ni Mariel na nakabase sa Amerika na si Abelardo Termulo.


Nabatid na mahigit walong taong hindi nagkaharap ng personal sina Robin at ama ni Mariel kahit noong araw na ikinasal ang dalawa noong 2010.

Kahapon naman, isang mahabang post din ang ibinahagi ni Robin sa kanyang Instagram kung saan pinasalamatan nito si Allah sa pagkakataong makilala ng personal ang ama ng kanyang misis.

Itinuturing daw niya itong isang pinakamahalagang tagpo sa kanyang buhay na nangyari pa sa araw ng Pasko.

Facebook Comments