Robredo, hindi makadadalo nang personal sa SONA ng pangulo dahil sa full-vaccination requirement

Hindi makakadalo nang pisikal sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas si Vice President Leni Robredo.

Ito ay dahil sa full-vaccination requirement para sa mga dadalo sa venue ng SONA.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na unang inimbitahan ang pangalawang pangulo na dumalo sa SONA virtually pero nagbago ang plano nang imbitahan siyang dumalo sa Congress Session Hall.


Gayunman, hindi pa natuturukan ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccine si Robredo kaya hindi pa rin siya makakapunta nang personal.

Mayo nang matanggap ng bise presidente ang kanyang first dose ng AstraZeneca habang matatanggap niya ang second dose sa August 11.

Samantala, sa kabila ng nasabing vaccination protocols, ang mga dadalo nang personal sa SONA ay kinakailangan pa ring sumalang sa RT-PCR at antigen tests.

Nasa 350 indibidwal lamang ang papayagang makapasok sa session hall.

Facebook Comments