Nanawagan si Vice President Leni Robredo na magsagawa ng malalimang konsultasyon sa mga vendors ng baboy at manok sa harap ng ipinapatupad na price ceiling.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na dapat kinausap muna ng gobyerno ang mga stakeholders bago ipinatupad ang polisiya.
Umaasa si Robredo na aaksyunan agad ng gobyerno ang problema sa price cap.
Sa mga nakausap na pork vendors ng Bise Presidente, sinabi nila na mawawalan sila ng kita kung sila ay magbebenta habang mayroong price ceiling lalo na at ikinokonsidera ang raising at production cost.
Nagbabala rin si Robredo sa Department of Agriculture (DA) lalo na sa pagkuna ng pork supply sa Visayas at Mindanao lalo na at hindi sinasabi kung mayroong sobrang supply sa mga nasabing rehiyon.