Robredo, nagtungo sa New York para sa graduation ni Jillian

417

Lumipad patungong New York City si Vice President Leni Robredo kasama ang kaniyang tatlong anak.

Dadalo ang bise president sa graduation ng kaniyang bunsong anak na si Jillian at upang makapagbakasyon din kasama ang kaniyang pamilya.

Sa kabila ng biyahe, tiniyak ni Robredo na nakatutok pa rin siya sa paghahanda sa launching ng Angat Buhay, isang non-government organization na binubuo ng volunteers na tumulong din sa kanyang kampanya nitong eleksyon.


Naghahanda na rin ang Office of the Vice President (OVP) para sa official turnover ng opisina.

Facebook Comments