Robredo, nakikipag-ugnayan na sa iba pang potential candidates

Inamin ni Vice President Leni Robredo na nakikipag-usap na siya sa mga indibiduwal na posibleng tumakbo sa pagkapresidente sa 2022 elections.

Tumanggi si Robredo na pangalanan ang mga ‘contenders’ maliban kay Manila Mayor Isko Moreno.

Sinabi ni Robredo na masaya siya sa kanyang pakikipag-usap sa mga ito at ramdam niya yung kanilang hangad para sa bayan.


Bukas siya sa anumang exploratory talks para magkaroon ng common candidate ang opposition.

Nakasentro aniya ang pag-uusap sa “commonalities”.

Para kay Robredo, bukas sa lahat ng posibilidad pero kailangan ding maging bukas ng iba pa para magkaroon ng common ground kahit ang mga kandidatong hindi niya kapartido.

“Pero sa panahon na ganito, ang pakiusap ko puwede ba ang tingnan natin hindi iyong differences pero puwede bang ang tingnan natin iyong commonalities,” sabi ni Robredo.

Bagamat nananatiling malabo kung ano ang kanyang plano sa pulitika sa susunod na taon, sinabi ni Robredo na nakatuon siya ngayon sa COVID-19 response.

Facebook Comments