Robredo sa DOJ review: “Marami talagang ginawa nang di naaayon sa batas.”

Patunay ang inilabas na obserbasyon ng Department of Justice (DOJ) na maraming operasyon kontra iligal na droga ang hindi ginawa nang naaayon sa batas.

Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo makaraang lumabas sa review ng DOJ sa 52 kaso ng drug war killings mula Philippine National Police (PNP) na walang sapat na ebidensyang nagpaputok ng baril ang mga nasawing drug suspek sa kabila ng claim ng mga pulis na sila ay nanlaban.

Aniya, mahalaga para sa mga naulilang pamilya na malaman ang totoong datos sa pagkamatay ng kanilang kaanak.


“Mabuti na ginagawa ito ng DOJ pero alam natin na libu-libo yung naging biktima ay ngayon, konti pa lang yung nire-review,” ani Robredo sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila.

“Mahalaga sa mga naiwan nila na maayos yung datos tungkol sa kung sino ang pumatay, bakit pinatay, ano ang talaga yung tunay na circumtances ng pagkamatay at kung biktima talaga sila ng extra judicial killings na managot kung sino yung gumawa no’n sa kanila,” dagdag niya.

Facebook Comments