Ikinakasa na ni Senator Manny Pacquiao ang imbestigasyon ng pinamukunuan nyang Committee on Public Works sa rock-netting project sa Benguet na pinondohan ng ₱9 billion.
Ang hakbang ay tugon ni Pacquiao sa reklamong idinulog sa kaniya nang magpunta siya sa Baguio City ukol sa nabanggit na slope protection and flood control projects.
Base sa sumbong kay Pacquiao, 25 percent pa ng proyekto ang nagagawa kaya aalamin sa pagdinig ng Senado kung saan napunta ang 75 percent ng pondong inilaan sa proyekto.
Lumalabas din aniya na overpriced ang proyekto dahil dapat ₱12,000 per square meter lang ito pero itinaas sa ₱24,000 per square meter.
Ayon kay Pacquiao, malaking tanong din kung bakit si ACT-CIS Party-list Congressman Eric Yap ang caretaker ng Benguet at umano’y buma-back-up sa proyekto.
Sabi ni Pacquiao, hindi ito karaniwang ginagawa dahil sa tradisyon na inter-parliamentary courtesy bukdo sa galing Davao si Yap na napakalayo sa Benguet.
Base sa impormasyon ni Pacquiao, January 2020 ng italaga si Yap na caretaker ng Benguet Province ng pumanaw ang kanilang kinatawan na si Congressman Nestor Fongwan.