Inilunsad kahapon ng Philippine Army ang bagong Army Aviation Regimen, 2nd Multiple Launch Rocket System Battery (MLRS), at 1st Land Based Missile System Battery (LBMS), sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Ayon Kay Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala, ang activation laban sa mga kasalukuyan at hinaharap ng mga banta ng mga bagong units ay sa layong palakasin ang depensa ng army.
Ang Army Aviation regimen ay “upgrade” mula sa dating Army Aviation Battalion na mayroong 6 na eroplano na madadagdagan pa ng mga helicopters para sa armed reconnaissance, air assault at air medical evacuation.
Itinalaga ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Macairog S. Alberto si Col. Jesus Rico D. Atencio bilang pinuno ng Aviation Regimen.
Nilinaw naman ni Zagala na bibilhin palang ng Philippine Army ang rocket at missile systems, pero ang pagbuo ng mga bagong units ay para ma-organize na at masanay ang mga tropa bilang paghahanda sa pagdating ng mga bagong kagamitan.